Thursday, September 18, 2008

Gaod...

Hindi ako perpektong tao, at hindi ako nagpapakaperpekto...

... hanggang ngayon nag-i-struggle lang ako na magawa nang tama ang lahat ng ginagawa ko dahil alam ko yun ang dapat pero hindi ko maalis yung mga pagkakamaling iyon dahil lax akong tao at matigas ang ulo ko.

Yup sobrang tigas ng ulo ko, bago pa dumating ang blog na ito (Ang Sa Wari Ko) at bago pa ito nag isang taon, may Satire at Morphed akong sinusulatan noong nasa student publication pa ako. Same thing din ang laman puro reklamo sa lipunan at gobyerno ang laman, kaya ayaw ko ipabasa sa mga magulang dahil sigurado sermon aabutin ko. Dahil kahit anong kausap nila sa akin dahil natatakot silang balikan ako ng admin namin dati sa school dahil sa mga sinusulat ko, matigas pa rin ulo ko. Kasalanan ko bang maging aktibista ako noon na nag eenjoy na magpabilad ng araw sa Mendiol, Morayta, Edsa, at Liwasang Bonifacio, nakuhanan nga ako noon ng camera at nakita ako ng kapitbahay namin at tinawag akong komunista. Komunista na ba ang taong nagrereact, nagrereklamo at nagpapahayag ng opinyon patungkol sa gobyerno.

Awa ng Maykapal, naka-isang taon na rin ang Ang Sa Wari Ko, hindi man ito popular sa paningin ng lahat, masaya pa rin ako kasi sa kabila ng mga kababawan ko, typo at wrong grammar ko may mga naliligaw pa rin at nagtyatyagang magbasa sa blog kong ito. At may mga taong nariyan pa rin at nakikinig sa mga simpatya ko sa lipunan kahit hindi ako ganun kadetalye sa terminolohiya at puno ng emosyon. Si Tatay Schumey at Nanay Liz mga bago kong magulang sa cyber world, Ms. Janet na kahapon lang ay isanama ako sa Philippines 2010 Election Bloggers group blog, kay Manolo na inaadd ako sa blog nya nung nagwala si Madam President. Kay Nick na sinama ako sa Filipino Voices. Kay Dyu ng Pinoy Blogosphere at Kuya Itot ng Pinoy Entrecard. at Kay Boss Amo ko dito sa offic kahit may ubod mahal syang t-shirt na bloggers sucks at mga ka-team ko dito sa opisinang nasa QC na nakikinig sa mga nagreklamo ko habang nanonood ng news (sorry affected kasi ako lalo na dun sa mga batang inaabort at babaeng sinasaktan) topak kasi ako hehehehehe. At sa inyong mga naniniwala at nagtyatyagang magbasa at tumambay dito. Maraming salamat. Gaod lang mga kaibigan... Gaod lang.

Ang blog na ito ay ipagpapatuloy ang nasimulang emosyon, kalokohan, at kababawan. At magpapatuloy hanggang kaya pa.

Patungo sa ikalawang taong... sana makaya pa...





Subscribe to Email Blast

2 comments:

shzainzy said...

Hey Guys!

Please do add my other blogs youre already there.

http://shzainzy.blogspot.com
http://shzainzy2.blogspot.com
http://shzainzy3.blogspot.com
http://shzainzy4.blogspot.com
http://shzainzy5.blogspot.com

ThaNKs a lot!
you can check it out if you want.

siva said...

Hi nice blog!!

please visit ma two blongs and kindly give me back link.

dreamz and blackpanther

thanks!!

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles