Fiesta na naman sigurado ang mga kontra kay President Gloria Macapagal Arroyo matapos mag-air sa TV Patrol World at Bandila kagabi ang insidenteng naganap nang nagpatawag ang pangulo ng isang press conference. Ang isyu hindi pa handa nang sumalang siya sa harap ng media dahil walang teleprompter ang pangulo na nagresulta nang dalawang beses niyang pag walk out at pagkabagot at kita ito nang mga press at mga nanonood sa telebisyon. Halo halo ang opinyon pero ang isang malaking katanungan sa mga ilang eksena na nakikita natin sa ating pangulo kagaya nang pagsusungit nito, pananabon nang ilang mga tauhan nito, at ang pagwawalk out, hindi na ba inaalintana ng pangulo ang mga ganitong gawain sa harap nang mapanuring mata nang lipunan? Ang dating Gloria ba ng masa noon na nakangiti na may dalang mga palay, gulay at mga bulaklak sa mga posters noong nangangampanya ay tila napapalitan na nang masungit at madaling mabagot na pangulo?
Marahil sasabihin ng ilan tao rin si PGMA, naiinis, nababagot, at nagsusungit, pero para sa ilang mapanuring mata, tama ba ang iginawi ni Ginang Arroyo sa kanyang mga tauhan? Lahat tayo ay nanonood lamang at tagasubaybay sa napakalaki at napakahabang teleserye nang buhay Pinoy at ito ang drama sa pulitika.
Subscribe to Email Blast
2 comments:
Thanks for sharing this, PGMA was so funny LOL
Me tantrum din pala sya 'no? Dapat grace under pressure hehe
Lou
she must have had a really hard day...I heard she was rudely lambasted by Bishop Bacani in the El Shaddai rally, then the mindanao conflict pa...I am not a big fan of GMA but, she actually showed some temperance....
Post a Comment