Muli na naman haharap si PGMA sa tao para ibigay ang mga pangyayari sa loob ng kanyang pamamahala ng bansa sa kanyang State of the Nation Address. Kung noon ay sinabi niyang matatag ang republika ng bansa sa isang taong lumipas masasabi pa ba ni President Gloria Macapagal Arroyo na maayos pa ang nangyayari sa kanyang gobyerno.
Sa Edukasyon - natupad na ba ang 1 book per student policy? O sa kasamaang palad ay mas dumami pang mga silid aralan ang kailangan ayusin dahil sa mga nagdaang kalamidad. Gayun din ang di mapigilang pagtaas ng matrikula na nagiging resulta sa pagtigil ng ilang mga estudyante dahil wala nang sapat na panustos sa tuition si Juan dela Cruz para sa knayang mga anak. Maaaring sabihin ng PGMA na pinatigil na niya ang mga pagtaas na ng matrikula sa mga pampublikong paaralan pero kung aalalahanin tila huli na ang pangulo sa kanyang pag utos dahil nag umpisa na at marami nang nakapag enrol noong nagbigay siya ng kanyang kautusan. Hindi sagot ang no-uniform policy na isa sa mga suggestions niya, mas magkakaroon pa nga lalo ng problema ang mga magulang kung anong isusuot ng kanilang mga anak. Sana ngayong SONA may mas maayos na panukala si Gloria sa edukasyon mula sa polisiya sa kagamitan sa paaralan, abot kayang matrikula, pasahod sa mga guro at higit sa lahat ang quality ng education na nakukuha ng mga mag aaral.
Sa Trabaho - ilan ang nagsipagtapos noong Mayo? Pero ang mas malaking katanungan ilan lang ang pinalad na magkatrabaho? Taon taon ilang libo ang nadadagdag sa populasyon ng mga taong walang trabaho, maaaring isagot ng pangulo na may mga Job Bazaar na nagaganap sa mga mall at mga ibang lugar, pero ang mga ito ay panandalian lamang, mayroon na bang kongkretong sagot sa taunang paglobo ng dami ng mga unemployed sa bansa at ang sagot ay WALA PA.
Sa Pagkain - pagkain sa bawat mesa, ito ang pangako ng pangulo, pero dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin masasabi pa ba ni PGMA na may sapat na pagkain pa ba sa mesa ni Juan dela Cruz? May subsidiary ngang pinamimigay mula sa katas ng VAT, pero hanggang kainlan ang paglilimos na ito sa mga tao? Pagkatapos ng kanyang termino ano na ang mangyayari? Sana sa SONA may maayos nang patakaran kontra sa pagtaas ng presyo ng pamilihin at hindi ang mabilisang pagpapaganda lamang ng imahe, hindi nanglilimos ang tao na kailangan pumila sa ilalim ng araw para kunin ang subsidiary nila.
Magulo man ang nilalaman ng blog entry kong ito pero sana ang SONA na makikita natin ay hindi lamang sa pagreresbak sa mga kritiko, hindi lamang fashion show sa hallway ng Kamara, at mga pangakong aahon tayo at statistics, kundi isang maayos na sagot at plano para IAHON ang bayan mula sa kumakalam nitong sikmura, butas nitong bulsa, mangmang nitong kaisipan at ang kanser na patuloy pa ring pumapatay sa kanyang kalusugan.
SANA SA SONA MAY PLANONG KONGKRETO SI GLORIA!
Subscribe to Email Blast
No comments:
Post a Comment