Sunday, May 11, 2008

Transpo Strike on May 12

Kasado na ang tigil pasadang inilunsad ngayong Lunes, May 12 ng grupong PISTON ukol sa pagtaas ng gasolina at ang hiling nilang dagdagan ang bayad sa pamasahe, ngayon palang ay naka-red alert na ang Philippine National Police sa Metro Manila, Davao, at Cebu ukol sa malawakang protestang magaganap. Sa kabila nito nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na maaaring managot sa batas ang mga sasali sa welga ayon kay LTFRB Chairman Tom Lantion ito raw ay paglabag sa public service law na kung saan maaaring makansela ang prangkisa ng mga driver. Sa kabila nito ay nanindigan si George San Mateo, Secretary General ng Piston na isang uri ng harrassment para takutin ang mga drivers para hindi sumama sa tigil pasada. Sa kabila ng pagkasa na ng Transpo Strike ay nanindigang hindi sasama ang ibang mga grupo na hindi sila sasama sa tigil pasada sa kadahilanang kuntento na sila sa binigay ng gobyerno na 2 pesos subsidy sa diesel na kabilang ang mga jeepney, taxi at bus sa pangunguna ng LTFRB.

Ang Sa Wari Ko: Tulad nang naganap noong unang transpo strike nitong taong ito, hindi ko masisisi ang Piston sa panawagan nila sa tigil pasada na maaaring makaapekto sa kagaya kong communter. Dahil ang sa akin nila may pamilya rin silang binubuhay na kung saan malaki sa porsyentong kinikita nila ay napupunta sa pagbayad ng gasolina na palagian nang nagtataas, kasama na rin ang inflation sa mga presyo ng pagkain lalo na ang bigas. Ang issue na nakikita ko dito ay hindi ang tigil pasado na maaaring isa ako sa mahihirapan sa pagpasok sa opisina, kundi ang problema rito ay ang hindi na mapigil na pagtaas ng presyo na dapat nang solusyunan ng gobyerno.





Subscribe to Email Blast

2 comments:

chase / chubz said...

i don't think cebu will join that transpo strike tom.
feel ko lng.
heheheh

nasa newpapers kasi.hehehe..

ei! na add na kita sa blogdrool ko.

Flow Galindez said...

hahahaha blogdrool talaga!

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles