Thursday, November 15, 2007
Manila Police District: Manila's Finest?
I'm not a fan of those people in uniform, lalo na sa araw araw na napapanood ko sila sa TV at sa kasamaang palaad hindi pa maganda ang balita. Mula sa kotong cops, mga pulis na kasama pa sa mga sindikato at higit sa lahat police brutality. Sad to say na kung sino pa ang mga taong aasahan mo na magdedepensa sa welfare ng tao sila pa ang nangunguna sa pag gawa ng mali na mas nakakasira pa ng pagtitiwala ng tao sa gobyerno at batas.
Kagabi sa Probe, pinakilala ang Manila's Finest, ang Manila Police District na makainlan lang ay isa sa mga nahuhuli pagdating sa performance nila. At base sa nakaraang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nakita nila ang pagkukulang sa hindi pagpapatupad ng Miranda Rigthts (Doctrine) na kung saan nagsisilbing karapatan ng sinumang taong dadakipin ng pulis. Para sa kaalaman ng lahat ito ang dapat sabihin ng mga pulis:
"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to have an attorney present during questioning. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you."
Sa kasamaang palad hindi nila ito kabisado kahit nakasulat ito sa kanilang police book at nakapaskil pa sa kanilang opisina pero balewala ito dahil parang bola kung pagpasa pasahan ang mga ebidensya, parang punching bag ang mga inaresto at higit sa lahat dinaig pa ng mga nag iimbestiga ang isang talk show kung magtanong sa mga suspek kahit wala ang mga lawyer nila at mga nangunguna sa mga pagkakamaling ito ay ang mga 15-30 police, ang mga pilis na pumapasok lang sa araw ng sweldo.
Ang sa wari ko lang naman ay hari nawa na maayos ng NCRPO ang mga ganyang suliranin sa pulisya, minsan makakapag isip ka pa ng dalawang beses bago ka lumapit sa pulis, kung sila ba ay panig sa batas o gumagawa ng sarili nilang batas.
Images courtesy of Probe (ABS-CBN Now)
6 comments:
Nasapul mo, Bro. Talaga namang bumaba ang pagtingin ng tao sa pulis, hindi lang dahil sa media reports, kundi dahil sa personal experience. Lahat ng taong kilala ko has had an unpleasant experience with the police at one time or another. Hindi ako maawa sa kanila dahil desisyon naman nila ang pumasok sa PNP. Alam nila ang hirap at responsibilidad ng pagiging pulis. Dapat lang panindigan nila.
thanks for the comment Ronald! I agree may mga pulis na sobra ang taas ng tingin nila sa sarili nila
ay, nibago mo na lay-out mo. hahah! ende naman kita ginaya ha. promise!
teka, akala ko yung miranda code sa states lang yun at di talaga uso sa atin. kase dati nung college, nawitness ko yung dad ng friend ko nihuli ng pulis. wala lang, posas lang sha kagad. ni wala ngang warrant na nipakita eh.
and those guys are the ones considered as the Manila Finest ha?
mga pasaway!
inayos ko para di masikip kasi.
consider kasi na international na standard operation para sa mga pulis ang miranda rights unfortunately di nila kabisado yun
oo nga noh. medyo masikip nga tingnan eh. nidownload ko yung css template na nakita ko sa isang make your own layout thing-y pero ende naman maload. ngork!
di ba bading si piolo? ano ba talaga kuya?
Hi deity check mo rito sa url na ito maraming magandang templates ng blog http://www.blogskins.com/
and regarding piolo i have no idea regarding sa kanila ni sam
Post a Comment