Thursday, September 27, 2007

ZTE - ZENATE TELEVIZION ENTERTAINMENT

Here we go again, Philippine Politics on Public Entertainment!

Ang akala ko kahit paano after the Erap Trial may maaachieve na tayong matinong performance na pamahalaan pero para na namang sirang plaka na paulit ulit paulit ulit paulit ulit na nagkakaroon nang mga katiwalian na nauuwi sa personalan at masahol pa daig pa sa isang walang kamatayan at di matapos tapos na soap opera mula sa drama rama hanggang primetime bida.

Nalinis nga ang pangalan ni Gloria pero di pa rin tapos ang tirada nang nagsasabong na kongreso, para saan pa't iniluklok natin sila kung ang hobby lang nila ay ibandera ang mga barong nila sa kongreso at ang walang kamatayan pagpapasikat kung sino ang magandang magbigkas nag "Mr Speaker" at ang karera na ako ang dapat maupo sa speakership, ako dapat ang deputy speaker, ako dapat ang floor leader, ako, ako ako puro na lang kayo di kayo ang nagluklok sa sarili ninyo sa mga puwesto na yan sinasayang ninyo ang pera at buwis nang mga taong tapat pinaglilingkuran ninyo at hindi ang walang pakundangang gera dito gero doon dyan sa kongreso, para saan pa ang pinag aralan nyo at pinangako ninyong maglilingkod kung sa una pa lang ang iniisip nyo sa pag gising e ang papasok ninyo paano kayo magiging matunog sa media.

Matapos sa Kongreso, patuloy ang gerahan sa Senado para sa ZTE Broadband, sang ayon ako kay Senadora Miriam Defensor Santiago, sinasayang ninyo ang oras nang senado pati pera nang bayan para lang pag debatihan kung magkano ang kick back ninyo. Dinaig pa nina Neri at Abalos ang batang nag aagawan nang candy kung sino ang talagang may ari nang candy pero this time sino ang totoong kumikick back at sino ang nanunuhol. Kung sumang-ayon ako kay Sen. Defensor, di naman ako sang ayos na ginawa ni Gordon at Allan Cayetano, di ito agawan nang microphone kung sa inyo pa lang nag aaway away na kayo paano pa maaayos ang imbistegasyon kung pati kayo gumagawa nang eksena at pangalawa di rin nararapat sigurong bungkalin pa ang personal na buhay ni Abalos, tama po ba Senador Pimentel ang usapan po sa senado ay hindi tungkol kung may isa pang asawa at anak kung kani kanino, ZTE ang topic at hindi ibang asawa at anak sa labas ayusin muna ang isyu na kung saan makikinabang ang bayan at hindi ang isyu bubusog sa tenga nang mga tsimoso't tsismosa sa daanan.

Ang sa wari ko lang tama na ang mga side issues, haparin nang senado at kongreso ang katiwalian sa gobyerno at ayusin ito at hindi ang pag papasikat lang suot suot ang mga magagarang barong, gayahin nyo si Way Kurat, hindi sya nahiyang magbuhat nang balot box noong eleksyon kesihodang madudumihan at mamantsahan ang barong nya, kahit paano sa maliit niyang ginawa pinakita niya sa bayan na may pagkukumbaba siya. At kung hindi man si PGMA at FG ang ulo nang katiwaliang nagaganap sa ZTE marahil dapat rin lang kumilos rin siya na kastiguhin ang mga nasa kabinete niyang nagtatago sa kanyang saya na animo'y mga maaamong tupa na ginagamit ang kapangyarihan nang pangulo para sa sariling kapakanan.

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles