Friday, June 4, 2010

Wish I can do the finger for not passing Freedom of Information Act in Congress

Tulad ng inaasahan katulad ng Reproductive Health Bill at napakaraming mga panukalang pinapatay na walang kalaban laban dahil sa kakulangan sa bilang ng quorum o sa kabalukturan ng pag-iisip ng mga kongresista sa House of the Representative. Bago ko ituloy ang pag-ba-bash ko sa araw na ito, nakikiramay ako sa pag-massacre sa Freedom of Information Bill na pinatay na walang kalaban laban ng mga mangmang at nagmamagaling na mga pinapipita-pitagan nating mga kongresista sa Crocodile Farm ng Pilipinas sa Batasan Pambansa sa Quezon City o mas kilala na House of the Representative.

(This is how House of the Representative looks in long view)

Akala ng lahat na maipapasa ang House Bill 3732, Freedom of Information (FOI) Act sa kongreso ngayon, pero nagkamali tayo na ang mga pumirma at nakiaayon noong binubuo ang panukalang ito ay naglaho na parang bula, parang mga asong bahag ang buntot, habang ang iba naman ay maagang nagbakasyon kahit Friday pa lang ngayon. Wala nang bago dito, ganun ang eksena sa kongreso, maraming absent lalo na session, maraming undertime at marami ring late, walang pinagbago ganyan ang mga ibinoto nating mga congressman, ang ilan natutulog sa pansitan habang nagpapakalunod sa pork barrel at kaban ng bayan. Sana may magpanukala na NO SHOW on SESSION, NO PORK BARREL and PAY, kagaya sa ibang mga kumpanya para hindi abusado ang mga mapanglamang na buwaya sa kongreso. Bato bato sa langit ang matamaan magbago na, bato bato sa langit ang mag deny kapal na ng mukha.

Wish Department of National Resources considers House of the Representative as a new Zoo/Tourst Attraction in the Philippines, marami kasing buwaya kaya hindi ako naniniwala na endangered species sila kasi sa kongreso pa lang maraming type na ng mga buwaya in any color, in any size and in any outfit may pork barrel pang nabubulsa.

Namatay man ang FOI sa kongreso sa ngayong 14th session pero tandaan nila may 15th, 16th at marami pang session hindi titigil ang mga tao para sa idikdik ang hahalagahan ng panukalang ito.

Bookmark and Share
Subscribe to RSS FeedFollow me on TwitterEmail Me


Enter your email address:


Delivered by FeedBurner

1 comment:

Yodz said...

a congress of fools they become.
wish I could also do the finger.
...hope the 15th congress will do something about it.

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles