Thursday, October 15, 2009

Blog Action Day ’09: Let our voices be heard by the world up to the Copenhagen Summit!


Ang laban natin sa usapin ng Climate Change ay hindi natatapos hanggang may isang nanahimik at walang pakialam, ang climate change ay hindi para sa isang tao lamang at sa mga advocates nito kundi para sa lahat. Nakita na natin nang ulit ang hagupit ng bagyo na hindi natin inaakalang makakapagdala ng malaking suliranin sa bansa, may mga nawalan ng bahay, pangarap at buhay. Nakita rin natin kung paano tumaas ang tubig at mas nakita natin kung paano naging pabaya ang mga tao pagdating sa basura, parte ito ng suliranin natin sa solid waste management na nagpapadagdag sa masamang epekto ng climate change na kung saan malalakas na ulan ang dinadala dito sa Pilipinas sa panahong ito kahit sa panahon ng tag-araw.

In-denial at apathy ito ang sakit ng karamihan na kung saan ang bawat araw na hindi natin pagkilos para solusyunan ang problema sa solid waste management, misuse of energy, deforestation, at tahasang carbon emission sa mga factory, sasakyan at kahit sa simpleng panununog ng mga plastic ay nakakaepekto sa kalikasan. Naging lax ang tao sa issue ng kalikasan na kung saan tulad ng linyang “Garbage in, Garbage out” nakita natin it okay Ondoy at Pepeng, kung ano ang pinakawalan nating basura sa tubig, hangin at lupa ay siyang babalik sa atin para maningil. Sa interview ko kay Amalie Obusan ng Greenpeace Philippines na isang omen si Ondoy na kung saan nagdala ito ng malakas na pag ulan na kung saan hindi pa nararanasan ng bansa noon dahil ito sa epekto ng climate change na kung saan ang dating nakasanayan natin sa klima ay nagbabago na at minsan nagiging mas mapanira na. Sinang ayunan ito ng Jose Ma. Lorenzo Tan ng WWF Philippines at ayon sa kanya nakikita na natin ang epekto ng climate change sa pamamagitan ng mga bagyong darating sa bansa at mga pagbabago ng klima sa buong mundo.

Watch the video I did for Blog Action Day:



Pandora’s box, ito ang paglalarawan ni Lory sa usapin ng climate change na kung saan naging pabaya ang mga tao sa kalikasan na kung saan nariyan ang walang pakundangang pagtatapon ng basura kahit saan, ang mga maiitim na usok mula sa pabrika at mga sasakyan na taliwas sa pinapatupad ngayon na Clean Air Act sa bansa, at ang malawakang pagkakalbo ng mga bundok na kung saan marami na ang nasawi dahil sa landslide.

Ngayong December 7, magsasama sama ang lahat ng mga world leaders para sa tinatawag na United Nation Climate Summit o mas kilala sa Copenhagen Summit para talakayin nila ang usapin ng climate change at ang pagkakaroon ng policy na pangalagaan ang kalikasan, at ang usapin nito ay involve ang economy ng mga bansang nakadepende ang kanilang ekonomiya sa paggamit ng fossil fuels na major contributor ng carbon emission na nagcacause ng climate change. Pero kung maaalala natin noong 2000 ay nagkaroon ng United Nations Millennium Summit at nagkaroon ng 8 Millennium Development Goals na pinag usapan at binuo ang 189 world leaders kabilang ang pinakamakapangyahiran at mayamang bansa na United States of America hanggang sa pinaka poorest na bansa na South Africa, kabilang din ang Pilipinas dito. Pang- 7 sa MDGs ay “To ensure environmental sustainability” na kung saan sa katotohanan ay directly involve ang usapin ng climate change dito, at tulad ng isang domino na nakatayo ay may epekto rin ito sa iba pang MDGs ng UN, tulad ng eradication of poverty na kung saan sa pamamagitan ng kalamidad ay nakakaepekto ito direkta sa mga taong biktima ditto, ang universal education na kung saan maraming nasirang gamit sa paaralan at mismong mga schools, reduce child mortality, maternal health and combat diseases na kung saan dahil sa mga extreme weather events na nagdudulot ng pagbaha ay nagiging dahilan ng mga water borne diseases like diarrhea, malaria and dengue that causes death of children especially those in the age of 5 below, and also for women.

There are only 3 things I wanted to push this year in participation with Blog Action Day’09: 1, Let us demand for our leaders to participate actively on the December 6’s Copenhagen Summit and commit themselves for the benefit of the fellow men, 2, Climate Change is a topic that we don’t always see in the news, let education starts from us by means of sharing our ideas and opinions to others what’s the use of our blogs if we don’t give a space for this kind of social relevant topics, 3. And lastly, big things starts from small things let the change starts from us, lets actively participate in forums, in seminars, in tree planting and civic environmental events and more let the conservation and proper energy management starts from us and lets practice proper waste management. The battle on climate change doesn’t stop by blogging today, it doesn’t end at the Copenhagen, but it is just the beginning of our commitment with Mother Nature, to the Earth, the only earth where we are living.

Watch the video interview of Amalie Obusan of Greenpeace Philippines
Watch the video interview of Lory Tan of WWF Philippines

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles