Sunday, April 5, 2009
EYESORE ba talaga!
Im sure nakita mo na itong latest na pinapaskil na poster ng MMDA at hindi ito makakaligtas sa paningin mo dahil bukod sa PINK ito na favorite color ni Bayani Fernando ay ALL CAPS ang word na EYE SORE na kung saan tinutukoy nito na ang pinagdikitan nito ay hindi kaayaaya sa paningin at kailangan tanggalin.
And syempre like what I always did kagaya sa favorite series ko na Ally Mcbeal I wonder pwede kaya itong ipaskil sa mga opisina ng pamahalaan at sa mga miyembro nito na hindi rin kaayaaya sa mga tao dahil bukod sa mga sirang imahe nito ay hindi maalis alis sa posisyon dahil sobra ang pagkakapit nito na kailangan nang gamitan ng pwersa at kung hindi pa rin kaya ay masasabi ko lang ay sobrang kapal naman ng pagmumukha nila.
Hindi ko na kailangan mag name drop ng mga government officials at establishments kilala na natin sila at lagi naman natin silang nakikita sa TV at internet, nababasa sa newspaper at naririnig sa radyo.
Kung pwede nga lang sana kabitan sila nito dahil isa na silang malaking EYESORE sa lipunan at kailangan nang tanggalin.
No comments:
Post a Comment