Wednesday, November 19, 2008

Ang dalangin ni Press Secretary Jesus Dureza, dalangin din ba ni Gloria?

video

Kainlan naging off the record ang isang dasal at kainlan din naging joke ito? Para sa mga taong may paniniwala sa Maykapal hindi ito biro dahil lalo na sa mga taong nasa posisyon ang i-mock ang usapin ukol sa pananampalataya ay hindi dapat isinasawalang bahala. Para saan pa ang pagiging isang miyembro ng pamahalaan kung pati ang dalangin ay ginagawang biro sa harap ng publiko, nakakawalang respeto.


Pero maliban dito ang pinaka-climax ng insidenteng ito ay walang iba kundi ang reaksyon ni President Gloria Macapagal Arroyo, yes "Oh My God" talaga Madam President, sino ba ang mag aakala na isa ito sa mga dalangin ng mga cabinet member ninyo at iyon ay palawigin ang inyong termino, pero sa inyo madam Cha-Cha rin ba ang dalangin ninyo gabi gabi?

Sana naman huwag muna hindi pa naman sagot ang Cha-Cha sa problema ng bayan. Ang sagot ay ang kastiguhin ang mga nagnanakaw sa bayan, at ang matibay na kalutasan sa kahirapan ng bayan.




Subscribe to Email Blast






No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles