Wednesday, February 20, 2008

Looking Back at People Power 2, isn't worth it?


Katulad ng sinabi ni CBCP President Angel Lagdameo, nakakadismaya kung muli nating aalalahanin kung ano ang nangyari sa People Power 2. Marahil dahil na rin sa mga nangyayaring ganito mula sa issue ng corruption sa gobyerno, mga red tape at mga di mapaliwanag na bayaran at suhulan sa mga kontrata ng mga transaction sa ibang bansa at pati dito sa atin. Kung iisipin natin nauulit na naman ang noong akala natin ay naputol na at nasugpong kultura ng katiwalian sa ating pamahalaan.

Ang noong hinahangaan ng buong mundo na Edsa revolution na nagpatalsik sa diktadorya ng isang pangulo, at ang People Power 2 na sumipa sa pangulong naggaman ng salapi ng bansa ay tila siya ring daan ng pagluklok ng mas gahaman at tiwali pang pangulo kasama ang ilan sa mga opisyal na ang inisip ay magpakapal ng kanilang mga bulsa mula sa pagnanakaw mula sa buwis ng bayan.



Nararamdaman ko ang hinagpis at opinyon ng dating cabinet member ni President Gloria Macapagal Arroyo na si Emilia Boncodin, na ngayon ay parte ng controversial na Hyatt 10 o mga kabineteng nagresign dahil sa kainitan ng issue ng Hello Garci Scandal. Ayon sa kanya hindi naman lahat ng opisyal ay corrupt at sila ay pawang nasasama lang sa mga katiwalian na kapwa pulitiko nila. Nanawagan siya na sana si Cabinet Member Romulo Neri na pumanig na sa katotohan, alinsunod sa panawagan na ito may ilang mga cabinet officials na ang tumiwalag sa pangulo at ilan naman ay nananatili sa panig ng administrasyon.

Ngaunit sa kabila nitong mga panawagan ay patuloy pa rin ang paninindigan ng Pangulo na manatili sa kanyang posisyon kasama na rin ang kanilang pagpapahayag na buo pa rin ang kanyang administrasyon at loyal pa rin ang kanyang mga cabinete sa kanya na ipinakita nito sa pamamagitan ng kanilang unity walk na una nilang ginawa noong Hello Garci Scandal. Pero ang isang malaking katanungan hanggang saan mananatiling matatag ang sinasabing cabinete at administrasyon ni PGMA.

Patuloy na ang linngo linggong interfaith mass na gagawin sa iba't ibang pamantasan kagaya ng nauna sa La Salle Greenhills at pinagpatuloy kamakainlan lang sa Ateneo De Manila University, mayroon na ring mga noise barrage na nagpapakita sa pagkondena sa katiwaliian ng pangulo.



Habang sa senado naman ay patuloy nag iinit ang mga usapan, diskusyunan at sigalot sa isa't isa mula sa maka-administrasyon at maka-opposisyon. Tila nagiging personal na ang issue ng ZTE Scandal na kung saan nasira ang dating maayos na samahan ni PGMA at nang dating House Speaker na si Jose De Venecia na ngayong ordinaryong Congressman na lang at pinalitan ng dating kaibigan na si Prospero Nograles, napuyat tayo sa pagsunod ng anong mangyayari sa Kamara, pero ang tanging tanong natin bibitaw ba sa administrasyon si JDV o hindi? Isang personal na away na umugat sa mga anak, mula kay Joey de Venecia na nagsiwalat ng ZTE Scandal at ang pagresbak ng mga inaanak ni JDV na sila Mikee at Datu Arroyo para patalsikin ang kanilang ninong.

Hindi pa rin natatapos ang sigalot dahil nagbanta si Senadora Jamby Magrdigal na uungkatin ang personal na buhay ni Neri, tila nagiging masyado nang personal ang dapat trial para sa bayan. Issue kung sinabi bang evil si Neri o hindi sa PGMA, at handa si Senador Ping Lacson para patotohanan ang mga "selective amnesia" ng nasabing cabinet secretary na si Romulo Neri.

Sa lahat ng pangyayaring ito magkakaroon ba ng panibagong People Power Rally? Muli ba tayong babalik sa EDSA upang patalsikin ang isang tiwaling pangulo? Kung sakali man, muli ka bang lalahok sa panawagan nito? Dalawang taon na lang ang natitira para sa nalalapit na national election, sa mga nagpaparamdam na tatakbo sa 2010, makikiawait ka ba sa mga mala musika nilang mga tinig? Nasaan ang paninindigan mo ngayon? O mananatili ka na lang manonood sa mga nangyayari sa napakakumportable mong upuan at maghihintay sa kahihinatnan ng lahat na nangyayari.

3 comments:

ggapol said...

Ang gulo talaga nang gobyerno, walang pagbabago. Hindi mo na alam kung sinong nagsasabi nang totoo, kasi parang may mga tinatago lahat.
Where is "The Common Good"?
What will be our country's future now?

mschumey07 said...

Iba na ang mukha ng tao ngayon. Parang mas may mararating tayo ngayon dahil mas maramig nakakaintindi ng mga sissues. Pati mga musmos na bata ay alam ang nangyayari sa kanilang kapaligiran. Mas may pag-asa akong nakikita ngayon dahil handa na ang tao na magbago.

Anonymous said...

"Isn't worth it?"

Isa ako sa mga sumama nuon sa rally nuong kasagsagan ng EDSA Dos pero ngayon kumbinsido ako na wala akong napala. Pinangako ko sa sarili ko na di na ako sasama pang muli dito.Kahit alam kong wala ring kwenta si Gloria, kahit kurakot siya. Hihintayin ko na lang ang 2010. Bakit? Kasi magaling lang ang Pinoy sa pagkakaisa sa rally pero pagkatapos kanya-kanya na ulit. Sino rin ang papalit ang isa pang usapin. Hindi ba?

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles